Natuklasan sa Masungi Georeseve sa Rizal ang mga fossil ng gastropod na tinitingnan bilang "pinakauna at pinakalumang" fossil record ng uri nito sa bansa, ayon sa mga geologist at paleontologist mula sa University of the Philippines - National Institute of Geological Sciences (UP-NIGS).
Sa Facebook post ng Masungi nitong Biyernes, Setyembre 29, ibinahagi nitong ang gastropods ay isang klase ng mollusks na kinabibilangan ng snails, slugs at limpets.
“This group of mollusks stands out as one of the rare animal groups that have achieved success in thriving across all three primary habitats: the ocean, freshwater environments, and land,” anang Masungi.
Nagpapahiwatig umano ang naturang presensya ng fossilized gastropods na lumubog sa ilalim ng tubig ang Masungi landscape mga 60 milyong taon na ang nakalilipas.
“The Masungi-Georeserve as a living laboratory for the study and protection of karst terrains represents a unique opportunity for the national and local governments, the academe and industry partners to come together to develop best practices in the management, protection and conservation of this important fragile and non-renewable resource,” pahayag ng mga mananaliksik.
Ayon din sa Masungi, ang fossils na natuklasan kamakailan ay nagpapahayag umano na mahalagang protektahan ang limestone formations na matatagpuan sa pagitan ng Upper Marikina Watershed at Kaliwa Watershed, maging sa loob ng National Park na nilikha sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 1636 noong 1977.
“The said areas continue to be threatened by various encroachments, illegal structures, and quarrying. Meanwhile, a 2,700-hectare forest restoration project - the Masungi Geopark Project - is being threatened with possible cancellation in favor of incompatible land uses,” saad ng Masungi.
“We envision Masungi Georeserve as a place where educators, students, and local government can interact and collaborate in the study of karst features and processes and development of best practices in the management and conservation of karst landforms,” dagdag naman ng mga mananaliksik.
Samantala, natagpuan din umano ng research team noong Hulyo ang mga bakas at “fossilized remains” ng marine protists (foraminifera) na naka-embed sa mga bato.
Inaasahan namang magsasagawa ang mga mananaliksik ng UP-NIGS ng follow-up field investigation sa taong ito upang higit pa umanong suriin ang mga fossil, matukoy ang eksaktong edad nito, at upang patunayan kung ito ang ang pinakauna at pinakamatandang fossil record ng naturang uri ng mollusk sa bansa.
Matatagpuan ang Masungi Georeserve sa katimugan ng Sierra Madre Mountain range, na nasa pagitan ng Kaliwa Watershed at ng Upper Marikina Watershed.