Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Biyernes, Setyembre 29, ang mga detalye hinggil sa face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong master plumber ng bansa.

Ayon sa PRC, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa Oktubre 6 sa Tacloban City, Oktubre 13 sa Iloilo, at Oktubre 27 sa Davao City.

“All successful examinees who are interested to attend the face-to-face mass oathtaking shall register not later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance,” pahayag ng PRC.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with the generated QR code which will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Inabisuhan din ng Komisyon ang mga dadalo sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang vaccination card o ang kanilang Negative RT-PCR results na kinuha umano sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

“It is advised that inductees register and confirm their attendance in the regions where they took their licensure examination and intend to register as professionals,” saad ng PRC.

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.

Iaanunsyo umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph,” saad pa ng PRC.