Malaki ang pakinabang ng mga mamimili at negosyante sa Executive Order No. 41 ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ayon sa pahayag ng Malacañang.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, ipinaliwanag ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary for Communications Kim Lokin, na ang EO 41 ay makatutulong sa mga negosyante na maibaba ang gastusin sa pagnenegosyo.

“So that, at the end of the day, when the product reaches them, goods and even services mababa po, kahit papaano ay kaya pa po nila – affordable and kung hindi man po bumaba ay hindi naman po tataas,” anang opisyal.

“In general, marami po ang natutuwa. I’m sure, hindi lang po iyong mga negosyante. At the end of the day, ang mga consumer po ay matutuwa dito lalo na po dahil malapit na ang Pasko.”

Sa pamamagitan ng EO 41, inatasan ni Marcos ang mga local government unit (LGU) na suspendihin ang paniningil o ipinatutupad na "pass-through fees" upang maging magaan ang daloy ng mga kalakal sa bansa alinsunod na rin hangarin ng pamahalaang patatagin ang lokal na industriya sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.