Sinampahan na ng kasong smuggling ang ilang rice importer na nahulihan ng milyun-milyong halaga ng bigas sa ikinasang pagsalakay sa isang bodega sa Bulacan kamakailan.
Sa pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, binanggit ni Bureau of Customs (BOC)-Legal Service acting director William Balayo, ang kaso ay iniharap ng Bureau Action Team Against Smuggling (BATAS).
“Ito po iyong mga ni-raid noong Aug. 24 sa Bulacan and pardon me po kung hindi ko mapapangalanan iyong mga akusado. Nonetheless po, we are happy to state that ito pong pinaylan po namin ng cases. Tatlo po dito ay iyong economic sabotage,” anang opisyal.
National
DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara
Nangako rin si Balayo na gumagawa pa rin sila ng paraan upang mahinto ang lahat ng uri ng smuggling.
“Kasi talagang pahirap po iyong rice smuggling dito po sa ating bansa. And lalo na rin po na hindi po namin trabaho talaga iyong hoarding, iyong paghuhuli po ng hoarding, pero sa pagbubukas po natin ng mga bodega nakikita po natin ngayon, iyong mga bigas na sa tingin namin ay baka hino-hoard po,” dagdag pa ni Balayo.
PNA