Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Surigao del Sur nitong Biyernes ng madaling araw, Setyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:06 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 47 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Cagwait, Surigao del Sur, na may lalim na 18 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.