Sugatan ang isang lalaking umano’y snatcher nang mabaril ng mga umaarestong pulis sa isang engkwentro sa Antipolo City, Rizal noong Miyerkules ng gabi.

Ang suspek na nakilalang si Jeffrey Montes ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang hita.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-9:05 ng gabi nang maganap ang insidente sa GSIS Avenue, sa Brgy. Bagong Nayon, Antipolo City.

Nauna rito, naglalakad na umano pauwi ang isang biktima nang lapitan ng suspek at agawin ang dala nitong cellphone na nagkakahalaga ng P5,000 bago mabilis na tumakas.

Kaagad namang nagtungo ang biktima sa PCP 3 ng Antipolo City Police at inireport ang pangyayari, kaya’t mabilis na nagsagawa ang mga pulis ng hot pursuit operation.

Nakorner ng mga pulis ang suspek ngunit sa halip na sumuko ay bumunot umano ito ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek sa kaliwang hita at nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Narekober mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala at ang cellphone ng biktima.

Ginagamot na sa ospital ang suspek na mahaharap sa kasong Robbery Hold-up, at paglabag sa Republic Act 10591 o The Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act in relation to the Omnibus Election Code o Gun Ban.