Ikinuwento ni Niño Muhlach ang tungkol sa isa pa niyang anak sa ibang babae nang kapanayamin siya ng broadcast-journalist na si Karen Davila nitong Huwebes, Setyembre 28.

Ayon kay Niño, malaki na umano ang isa pa niyang anak bago pa man niya ito nakilala.

“Nalaman ko lang po na may daughter ako, 13 years old na siya. Kasi nagkita kami ng mommy niya sa isang party,” pag-amin ni Niño.

“You didn’t know na nabuntis mo ‘yung model?” tanong ni Karen.

National

Catanduanes, niyanig ng 4.8-magnitude na lindol

“Yes po. Kasi we separated ways, e.” 

“And then?”

“And then she get married…”

“Anong naging reaksiyon mo?”

“Na-shock ako siyempre.”

Kaya naman, ipinakiusap agad ni Niño na makita ang kaniyang anak sa lalong madaling panahon. At nang makita niya raw ito, nakaramdam siya ng lukso ng dugo.

“Noong nakita ko, e, kamukhang-kamukha ko po, e. Kaya talagang walang kaduda-duda po.”

Kasalukuyang bahagi ng US Navy ang nasabing anak na babae ni Niño at nakabase sa Naples, Italy.

Kasama ngayon ni Niño ang partner niyang si Diane Abby Tupaz at anak nilang si Alonzo maging si Sandro, na anak niya sa kaniyang unang asawa na si Edith Millare.