“Back home after 371 days in space 🌏⁣”

Nakabalik na sa Earth ang record-breaking astronaut ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) na si Frank Rubio matapos umano siyang tumira sa International Space Station (ISS) ng mahigit sa isang taon.

Sa Instagram post ng NASA, ibinahagi nitong ligtas na nakaalis mula sa ISS si Rubio, kasama ang kaniyang crewmates at Roscosmos cosmonauts na sina Sergey Prokopyev at Dmitri Petelin, at matagumpay na nakabalik sa Earth sakay ng Soyuz MS-23 noong Miyerkules, Setyembre 27, 2023. ⁣

⁣“Rubio’s spaceflight is the longest single spaceflight by a U.S. astronaut, breaking the record previously held at 355 days by NASA astronaut Mark Vande Hei,” pahayag ng NASA.

Tourism

'No. 1 most traveled Filipino citizen globally' sinalubong sa Mactan airport

Nagsimula umanong maglakbay sina Rubio sakay ang Soyuz MS-22 spacecraft noong Setyembre 21, 2022.

“Due to a coolant leak, the Soyuz MS-22 capsule returned to Earth without its crew and the Soyuz MS-23 capsule launched as a replacement on Feb. 23, 2023,” anang NASA.

Sa gitna ng naturang misyon, nakumpleto umano ni Rubio ang humigit-kumulang 5,936 orbits at nakapaglakbay sa layong mahigit na 157 million miles (253 million kilometers), halos katumbas ng 328 beses na paglalakbay sa Buwan at pabalik.

“In addition to spending many hours on scientific activities aboard the space station, Rubio’s extended mission provided the opportunity to observe the effects of long-duration spaceflight on humans as we prepare for @NASAArtemis missions to the Moon and human exploration of Mars,” saad pa ng NASA.