Humakot ng mga parangal ang lokal na pamahalan ng lungsod ng Maynila sa katatapos na Cities and Municipalities Competitiveness Index Awards.

Nabatid na ang Manila City Government ay pinarangalan bilang 'most competitive in government efficiency for highly urbanized cities' sa naturang index awards.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Pinasalamatan din ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Department of Trade and Industry (DTI) matapos na makamit rin ng lokal na pamahalaan ang ikatlong puwesto, sa over-all competitiveness awards.

Nakuha rin ng Maynila ang ikalawang puwesto sa kategorya ng most competitive in innovation and in infrastructure for highly urbanized cities.

Ipinagmalaki pa ni Lacuna na ang lungsod ay pumang-apat din sa most competitive in resiliency at pang-pito naman sa most competitive in economic dynamism.

Personal namang tinanggap ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto ang pagkilala mula sa governing body sa isinagawang awarding ceremony sa Manila Hotel nitong Huwebes, Setyembre 28, kasama si Assistant City Administrator Architect Joy Dawis-Asuncion.

Kaugnay nito, pinasalamatan ng alkalde ang Panginoong Diyos, kapwa mga opisyal ng city hall at mga kawani na dahil sa kanilang suporta ay natamo ng pamahalaang lungsod ang mga nasabing karangalan, gayundin ang mga members ng Manila City Council.

"These awards will serve as an inspiration for all of us in the city government of Manila to continue giving the best service possible for all the residents of the city," pahayag pa ng alkalde.

Dagdag pa ni Lacuna, ang karangalang ito ay isang balidasyon ng pagsisikap at dedikasyon ng mga city employees at officials sa kanilang pagganap ng kanilang trabaho sa araw-araw.

"I call upon all my co-workers to treat the  recognition bestowed on the city as a reason to strive even harder to give our residents the quality service they so deserve at all times," sabi pa ni Lacuna.

Ang rankings ng Cities at Municipalities ay base sa kabuuang iskor mula sa limang pillars na kinabibilangan ng economic dynamism, government efficiency, infrastructure, resiliency at innovation.