Isang magnitude 4.7 na lindol ang tumama sa Eastern Samar nitong Biyernes ng madaling araw, Setyembre 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 1:26 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 64 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng San Policarpo, Eastern Samar, na may lalim na 26 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa City of Borongan, Eastern Samar.

Metro

Lalaki, pinagsasaksak sa dibdib dahil umano sa paggamit ng basketball court

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.