National

LPA sa loob ng PAR, posibleng maging bagyo -- PAGASA

Walang kinalaman sa Nipah virus ang tumataas na bilang ng mga nilalagnat sa Northern Mindanao.

Ito ang paglilinaw ni Department of Health (DOH)-Region 10 director Dr. Ellenietta Gamolo at sinabing aabot na sa 18,364 cases ang naitala simula Enero 1 hanggang Setyembre 26 ngayong taon.

Aniya, mas mataas ang naitalang kaso ngayong 2023 kumpara sa 12,966 kaso noong 2022.

Gayunman, tiniyak ni Gamolo na walang kaugnayan sa usapin ang Nipah virus.

"There are no laboratory results confirming cases of Nipah in the country and here in the region," pagdidiin ni Gamolo sa isinagawang pulong balitaan.

Ang mga naitatala aniyang kaso nito ay ikinukonsidera bilang influenza-like illnesses (ILI).

Kaugnay nito, ireirekomenda naman ni DOH-Region 10 senior medical officer, Dr. Stephanie Grace Zamora, sa mga paaralan sa Cagayan de Oro City na isailalim sa pagsusuri ang mga estudyanteng nakararanas ng ILI.

"The easiest would be testing through antigen tests," dagdag pa ni Zamora.

Ang nasabing virus ay posibleng maihawa sa tao ng mga hayop katulad ng paniki at baboy.

Mataas anng mortality rate nito, kasunod ng outbreak sa North East Africa at Southeast Asia, partikular na sa Malaysia at Singapore noong 1998 at 1999.