Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan na ibinahagi ng ABS-CBN Film Productions Inc. (Star Cinema) sa kanilang Facebook page kamakailan.

Makikita kasi sa ilang larawan na kuha noong block screening ng “A Very Good Girl” sa Cinema ‘76 Film Society na naka-dirty finger ang ilang cast ng nasabing pelikula gaya nina Kathryn at Dolly.

Hindi tuloy maiwasang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing larawan. Narito ang kanilang mga komento:

“So ganyan ba yung hinahangaan ng lahat? Wag sanang gawin in real life ang pagiging bad girl”

Dolly 'natumba' nang maitulak ni Kathryn: 'Joke lang 'yon?'

“dapat talaga hiwalay yung fb ng matatanda eh”

“daming perfect dto ah HHAAHAHAHA”

“Mga matatandang nag cocomment kala mo di minumura mga anak.”

“hindi magandang halimbawa saming mga kabataan 😮‍💨😮‍💨😮‍💨”

“galit sa middle finger pero hipokrito't mas di hamak na masama ugali. go mga matatanda!!!!”

Matatandaang kamakailan lang ay usap-usapan pa ang ginawang pagtulak ni Kathryn sa “A Very Good Girl” co-actress niyang si Dolly. Bukod pa rito, naging kontrobersiyal din siya nang maispatang may hawak na vape sa isang gusali sa Alabang.

Nagsimula nang ipalabas noong Setyembre 27 sa mahigit 250 sinehan sa Pilipinas ang “A Very Good Girl”. Magsisimula naman sa Oktubre ang international premiere ng nasabing pelikula.

https://balita.net.ph/2023/07/22/kathryn-naispatang-may-hawak-na-vape-cristy-ogie-napa-react/