Nagbahagi ng family picture si “Parokya ni Edgar” lead vocalist Chito Miranda sa kaniyang Facebook page nitong Biyernes, Setyembre 29.
“Sobrang sarap sa puso, and sobrang comforting yung feeling na surrounded ka with so much love, and with people who genuinely care for each other,” pahayag niya sa caption ng kaniyang post.
“Minsan may mga away, [tampuhan], or may mga nagkakapikunan, pero even during those times, alam ng bawat isa sa amin confidently na never nawawala yung pagmamahal at concern namin para sa isa't-isa.”
Dagdag pa niya, “Kunwari magka-galit kami ni Neri, kukumutan ko pa rin sya kapag giniginaw sya...babatuhin ko lang sya ng comforter (joke lang po✌🏼😅) or kunwari nagkapikunan si Ate Pia at Miggy sa kotse, Ate Pi will still let Miggy sleep on her shoulder if ever antukin si Miggy...and vice-versa”.
Gagawin din umano lahat ni Chito ang lahat para maprotektahan at maalagaan niya hanggang pagtanda ang kaniyang pamilya. Kaya sinisikap niya raw maging malusog.
“Yung mga mababaw at panandaliang kaligayahan ng dulot ng anything unhealthy, can never compare with the happiness na nakukuha ko from me being there for them...because me being there for them makes them happy...and I will never take that away from them, kasi mahal nila ako.
“I am their Dad, and they need me.
“And if being their Dad makes them happy, and if it means me being able protect and take care of them, and if making fun of me makes them laugh, then I will try my best to be always there for them, and I will also try my best to be as healthy as I could, and live as long as possible para makasama nila ako hangga't kelangan nila ako.”
Sa huli, sinabi ni Chito ang dahilan kung bakit bigla siyang napasenti sa kaniyang Facebook page. Hindi raw kasi niya kasama ang kaniyang pamilya.
Wala naman siyang nabanggit na detalye kung nasaan ang kaniyang mag-anak o kung bakit hindi niya kasama ang mga ito.
Matatandaang kamakailan lang ay “nagpalamig” muna si Chito sa Baguio matapos sagutin ang ang mga basher ng kaniyang asawa kaugnay sa ibinahagi nitong kontrobersiyal na “₱1000 weekly meal plan”.
https://www.facebook.com/photo?fbid=859814762166587&set=a.195976745217062
https://balita.net.ph/2023/09/15/chito-miranda-sinagot-ang-mga-basher-ni-neri/