Nawindang ang actor-rapper na si Andrew E sa presyo ng kaniyang inorder na lunch sa Seoul, South Korea kamakailan.

“46,000…!!! Egg lang at konting gulay…!!! Oh my gulay!!! 😮😮😮,” saad niya sa caption ng kaniyang Facebook post.

Pero ayon sa ilang netizen, nasa ₱2000 lang umano ang katumbas ng nasabing presyo sa Philippine Peso.

Narito ang iba pang komento ng netizens sa kaniyang ibinahaging mga larawan::

Andrew E, nagtanghal sa UniTeam campaign rally sa Guguinto, Bulacan; bagong ika-cancel?

“Grabe nga, 125M in 11 days!!!! Oh sheee minecraft 😱😱😱🤣🤣🤣”

“Yung 125 Million Pesos nga 11 days lang eh. Mas magulat ka don”

“Nakakagulat talaga!!! Yun ba namang 125M!!!! GRABE!!!!!”

“Wala yan sa kakilala ko. 125 million in 11 days hahajaja”

“125 million nga kaya ubusin ng 11 days 😆”

“Grabe salamat VP Sarah!! At sa confidential funds mo 😂”

“palibre ka sir dun sa vp mu.. sus ang daming pera yun. Hehe..”

Sa ilang hiwalay na post kasi, makikitang kasama ng rapper ang Vice President Sara Z. Duterte sa isinagawang Filipino Community Event sa Seoul, South Korea.

Matatandaang isa si Andrew E. sa mga sumuportang artist sa kandidatura ng BBM-Sara Tandem noong nakaraang taon.