Madadagdagan na ang suweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa tatlong rehiyon sa bansa.

Ito ay nang ihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules ng gabi na inaprubahan na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) nitong Setyembre 26 ang kahilingan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Cagayan Valley, Central Luzon at Soccsksargen na magtaas ng sahod sa hanay ng mga manggagawa.

Dahil dito, nasa 682,117 minimum wage earners ang makikinabang sa wage increase sa tatlong rehiyon.

Bukod dito, naglabas din ng kautusan ang RTWPB sa Cagayan Valley at Soccsksargen upang itaas ang suweldo ng mga kasambahay sa kani-kanilang lugar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nasa 75,853 kasambahay ang nagtatrabaho sa mga nasabing rehiyon.

Ipatutupad ang taas-suweldo sa Oktubre 16, ayon pa sa DOLE.