Ibinunyag ng showbiz-columnist na si Cristy Fermin sa showbiz vlog niyang “Showbiz Now Na” noong Lunes, Setyembre 25, na may nagyayaya ulit umano kay Wowowin host Willie Revillame na tumakbong senador sa darating na halalan.

Ayon kasi kay Cristy, may nakapagsabi umano sa kaniya na may isang politiko na balak umanong tumakbong pangulo sa halalan sa 2028 at hinihikayat umano si Willie na sumama rito.

“Di na bago sa atin ‘yan. Noong panahon ni dating Pangulong [Rodrigo] Duterte, ganoon din ang sabi 'di ba…pero hindi naman natuloy.”

Nang tanungin ni Cristy ang co-host niyang si Wendell Alvarez kung “hinog” na umano si Willie para sa senado, ito ang sey niya: “Alam mo, bagay siya roon. Hinog na hinog na siya para tumakbo.”

National

De Lima sa paghatol kina Castro: 'This should never happen in a democratic society'

“Bakit?” tanong ni Cristy.

“Kasi di ba eh ngayon wala na siyang TV show di ba. Wala na siyang trabaho.”

“Magkakaroon nga.”

“Oo, pero ibig sabihin puwede naman niyang ituloy doon ang pagtulong sa mga tao kapag nasa senado na rin siya.”

Matatandaang noong 2021 ay pinabulaanan ni Willie ang tsismis na tatakbo siyang running mate ni Senator Bong Go nang maispatan siya sa launching ng 149th Malasakit Center sa San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Malabon City.

Tumanggi si Willie sa pagsabak sa politika dahil sabi niya, alam niya sa sarili niyang hindi niya kayang makipagtagisan ng talino at galing sa iba pang senador kung sakali.

MAKI-BALITA: Willie Revillame, hindi tatakbo sa senado: ‘Hindi ko po kailangang kumandidato’

MAKI-BALITA: Willie Revillame, pinabulaanan ang chismis na kinuha siyang running mate ni Bong Go – Balita