Hindi makapaniwala ang TV at radio personality na si "DJ Chacha" nang mapag-alaman niyang may unknown transactions sa kaniyang credit card, at ang siste pa rito, ang scammer na gumagamit ng kaniyang account ay namimili pa ng mga kung ano-anong gamit kabilang na ang mamahaling alahas, sa Amerika!

Kuwento ni DJ Chacha sa kaniyang social media posts, nagising at napabalikwas na lamang siya ng bangon isang madaling-araw nang bumungad sa kaniya ang notifications sa kaniyang cellphone na may transactions na nagaganap sa kaniyang credit card.

"Sarap ng tulog mo tapos paggising mo 60 plus unknown transactions sa ibang bansa sa credit card mo. BDO Nyare?" post ni DJ Chacha noong Setyembre 26.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa isang Facebook Live habang nasa sasakyan sila ng kaniyang mister ay isinalaysay na nga ni DJ Chacha ang mga nangyari. Mabuti na lamang daw at maaga siyang nagigising dahil sa programa nila ni Ted Failon sa TV5, kaya maaga rin niyang naireport ang mga nangyari.

Hindi rin daw maipaliwanag ng tinawagan niyang taga-BDO kung bakit nagamit ng scammer ang detalye ng kaniyang credit card, at sa US pa namimili ito.

Sey ng TV personality, hindi siya mahilig mag-click ng mga kung ano-anong link online at tanging sa mga lehitimong website lamang siya bumibisita.

Mabuti na lamang daw at credit card lamang ang nadali at hindi debit card dahil baka masimot daw ang kaniyang hard-earned money kung nagkataon.

Nangako raw ang bangko na agad daw silang gagawa ng report kung sakaling mag-reflect sa babayaran ni DJ Chacha ang mga nagastos ng scammer sa pamimili nito.

Pinag-iingat ni DJ Chacha ang publiko na mas maging metikuloso sa mga transaksyon sa bangko dahil grabe na raw ang katalinuhan ng mga mandurugas sa paggawa ng kabulastugan.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng bangkong binanggit ni DJ Chacha.