Flinex ni Andrea ang kanilang picture ni “The Little Mermaid” star Halle Bailey sa kaniyang X account nitong Martes, Setyembre 26.

“I was so kilig to have a picture taken with the Little Mermaid Halle!! because it has always been my dream to become a mermaid, haha!” saad ni Andrea sa caption ng kaniyang post.

https://twitter.com/iamandrea_b/status/1706641584912281722

Dagdag pa niya: “She was incredibly kind! It was a truly wonderful experience to meet her. Baby Blythe would have totally freaked out”.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Sey tuloy ng netizens, tila crossover nina Dyesebel at Ariel ang naging pagkikita ng dalawa.

“Ganda mo dyan mhie. Dyesebel meets little mermaid! Kavogue!”

“DYESEBEL AND LITTLE MERMAID”

“when dyesebel met ariel 🧜‍♀️”

Matatandaang umugong kamakailan ang panawagan na si Andrea umano ang dapat na “lumangoy” sa remake ng “Dyesebel”.

Pero ayon sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN sa aktres, bagama’t wala pa umanong opisyal na pag-uusap ang management niya at ang ABS-CBN, game daw siyang tanggapin ang nasabing proyekto dahil isa rin umano iyon sa kaniyang dream role.

Sa katunayan, nag-audition na si Andrea dati bilang “Dyesebel”.