Tila binanatan na naman ng social media personality na si Rendon Labador ang "E.A.T" host na si Joey De Leon, matapos mapabalitang humingi ng paumanhin ang pamunuan ng show sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaugnay ng binitiwang lubid joke nito kamakailan.

Pasaring ni Rendon, hindi raw niya alam na marunong palang humingi ng sorry si Joey.

Hirit pa niya, sana raw magbago na ito dahil hindi na raw nakakatuwa ang mga biro nito.

"Ngayon ko lang nalaman na marunong pa lang mag-sorry si Joey de Leon. Sana magbago ka na, kasi hindi na kami natutuwa sa mga biro mo. Huwag mo na uulitin," aniya.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Photo courtesy: Rendon Labador's IG

Dagdag pa niya sa isa pang Instagram story, "Tinatanggap namin ang sorry mo pero dapat imbestigahan ka pa rin."

Photo courtesy: Rendon Labador's IG

Matatandaang sinabi na rin ni Rendon kay Joey na pasalamat ito at wala siya sa Facebook. Matatandaang walang FB ngayon si Rendon matapos itong ma-mass report.

MAKI-BALITA: Rendon kay Joey: ‘Pasalamat ka wala na ako sa FB, nakalusot ka ngayon!’