Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng publiko na nakapasok na sa bansa ang Nipah virus, na namiminsala ngayon sa India.

Ito’y kasunod na rin ng ulat na may mga naitatalang flu-like illnesses sa ilang lugar sa Cagayan de Oro.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH Center for Health Development Northern Mindanao na wala pang naitatalang kaso ng Nipah virus sa bansa.

Paglilinaw pa ng DOH regional office, “Although there have been instances of both faculty and students here in Cagayan de Oro who are exhibiting the signs and symptoms of the viral illness, it is not yet clear whether a particular virus is to blame.”

Dagdag pa nito, "It is not clear whether this is caused by the said virus because their signs and symptoms are common with other viral infections also."

Ayon sa DOH, ang Nipah virus ay isang zoonotic virus na maaaring kumalat sa pagitan ng mga tao at hayop.

Kabilang sa mga sintomas ng virus ang lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pagsusuka, at pananakit ng lalamunan.

Maaari umano itong magdulot ng encephalitis o pamamaga ng utak at maging kamatayan.