Umani ng reaksiyon at komento ang Instagram post ni Frankie "Kakie" Pangilinan para sa kaniyang inang si Megastar Sharon Cuneta, na ginawan at inalayan niya ng kanta at music video.

Ginawan ni Kakie ng kanta ang Megastar, bilang pagpipigay-pugay sa naging kontribusyon nito sa industriya ng showbiz.

"I grew up watching mom through the window-slices of recording studios. She’d bring me to work and I’d stand on barstools or vinyl couches just to catch a glimpse of her going through lyric pages in cold, shadowy vocal booths, and at the age of twenty-two, for the very first time, I took my mommy to work with me," aniya.

"Despite a career that’s spanned decades and affected generations beyond her own, she’d never owned a record of hers until I wrote this song at three in the morning when @ferntan_ sent me its bare bones. This is my gift to her."

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

"It opens with 'maybe the DJ’s gone
' which is obviously referential to Rey Valera and his song about a love so deep it transcends all manners of space, connecting people through the buzz of flimsy radio waves. Now that forty-five years have passed, the challenge was to write something about the same love only older, aged. could it transcend time as well? If you listen closely, you can hear @mielpangilinan and I singing with mommy in the distant background. We’re there as markers of the present."

"There is nobody on this earth I trust more in music than @kindredism. These are my brothers, my at-times therapists, my personal heroes. they’re admired by so many not only for their immense talent, but for their unlimited kindness and integrity in an industry brutal to even the best. mga hayop kayo char, mahal na mahal ko kayong lahat đŸ«¶đŸŒ

Mensahe ni Kakie sa ina, "@reallysharoncuneta, you have earned your rest, mama ko. Thank you for loving my friends without condition and thank you for singing my best effort at writing in your voice. i can’t believe you’re my best friend!! and you’re so bery gorjus malagu in dish bidiyo!"

"Lambing Ng Megastar MV // Megastar Interlude feat. Sharon Cuneta OUT NOW."

Kalakip ng kaniyang post ang dalawang larawan na naka-black and white. Sa unang larawan ay makikita si Mega kasama ang iba pang mang-aawit.

Maraming mga pumuri kay Kakie dahil deserve daw ng Megastar ang isang awiting kagaya ng ginawa niya.

Ngunit tila "kinabahan" daw ang ilang mga netizen nang mabasa ang post ni Kakie at makita pa ang B&W photo ni Mega, batay sa comment section ng isang news site na nagbalita rito.

Kinailangan nilang basahin nang buo ang mahaba-habang post ni Kakie.

Sey ng isang netizen, "Jusko akala ko naman sumalangit na si mega. Bakit kelangan iblack and white din."

Sundot naman ng isa, "Tapos 'you have earned your rest' pa hahahahaha."

Napa-react din ang isa, "same po kaya nagbasa agad ako nang comment naka black n white kasi ang pic ni mega hahaha."

Iba pang reaksiyon at komento:

"sagwa naman ng 'you earned your rest'..."

"bakit parang mga kaluluwa yung photo sa baba ?"

"One month pa ang halloween to apply make up like that!"

"Ang pangit ng word na rest dyan hahah tapos Yan pa Ang pic parang mga kaluluwa ...... kanta ka nalang ng mapa ng SB19 ..."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kakie tungkol dito.

MAKI-BALITA: Kakie kay Shawie: ”You have earned your rest, mama ko’