Isang maikli ngunit makahulugang sagot ang binitiwan ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto hinggil sa mga panawagang bumitiw na siya sa kaniyang pwesto.
Sa isang press conference ng MTRCB nitong Huwebes, Setyembre 28, na inilabas ng News5, sinagot ni Lala ang isang tanong tungkol sa mga panawagan para sa kaniyang resignation.
“I'm not going to satisfy the whims of my detractors,” diretsong sagot ni Lala.
Muling naging trending topic sa X (dating Twitter) ang #LalaResign nito lamang ding Huwebes matapos ibasura ng MTRCB ang motions for reconsideration na isinumite ng “It’s Showtime” kaugnay ng 12 airing days suspension na ipinataw sa noontime show.
MAKI-BALITA: #LalaResign trending sa X matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng “It’s Showtime”
Ayon sa MTRCB, isang resolusyon umano ang inilabas ng ahensya kung saan tinatanggihan nito ang motions for reconsideration (MR) na inihain ng GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation.
MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime
Nilinaw naman ni Lala sa isinagawang pagdinig ng senado para sa proposed 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27, na hindi siya sumali sa botohan ng board hinggil sa naturang pagpapataw ng suspensiyon sa It’s Showtime.
MAKI-BALITA: Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows
Samantala, matatandaang noon lamang Sabado, Setyembre 23, ay nauna nang naging trending topic si Lala matapos manawagan sa kaniya ang ilang netizens na aksyunan ang “lubid” na naging banat ni Joey de Leon sa tanong na “mga bagay na isinasabit sa leeg” sa isang segment ng noontime show na E.A.T.
MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.
Naglabas naman ng pahayag ang MTRCB noong Lunes, Setyembre 25, at sinabing susuriin nila ang mga reklamong kanilang natanggap hinggil sa nasabing eksena sa programa ng E.A.T.
MAKI-BALITA: MTRCB, naglabas ng pahayag hinggil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.
Bukod dito, sinabi rin ng MTRCB nitong Miyerkules na humingi ng paumanhin ang production ng E.A.T dahil sa naturang banat ni Joey, at pinag-aaralan na rin umano nila ang natanggap nilang reklamo hinggil dito.
MAKI-BALITA: E.A.T., nag-sorry sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon – MTRCB