Sa ngalan umano ng “transparency” at “fairness,” inihayag ni Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto na hindi siya makikialam sa lahat ng proseso ng MTRCB na may kinalaman sa noontime shows.

“In the spirit of transparency and in the spirit of fairness, I have already inhibited myself from participating in all the adjudication processes of any noontime shows,” saad ni Sotto sa isinagawang pagdinig ng senado para sa proposed 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27.

Muli ring iginiit ni Lala na hindi siya sumali o nakialam sa botohang nangyari hinggil sa desisyon ng board na patawan ng 12 airing days suspension sa “It’s Showtime” dahil na rin sa naging pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata.”

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“I was physically present because it was during a board meeting but I did not vote, I did not participate,” saad niya hinggil sa nangyari umanong botohan sa isyu ng It’s Showtime.

Matatandaang kinalampag kamakailan ng netizens si Lala dahil sa isang eksena ng “lambingan” ng kaniyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa E.A.T., ang katapat ng It’s Showtime.

MAKI-BALITA: Matapos sina Vice at Ion: Rendon sinita lambingan nina Tito-Helen sa TV

Samantala, sinabi ng MTRCB chair na wala raw nilabag ang kaniyang mga magulang sa nasabing eksena.

MAKI-BALITA: MTRCB Chair Lala Sotto nanindigang walang nilabag mga magulang sa E.A.T.

Noong lamang namang Sabado, Setyembre 23, muling umani ng kontrobersiya ang MTRCB at nanawagan kay Lala na aksyunan ang “lubid” na naging banat ni Joey de Leon sa tanong na “mga bagay na isinasabit sa leeg” sa isang segment ng noontime show na E.A.T.

MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

Naglabas naman ng pahayag ang MTRCB noong Lunes, Setyembre 25, at sinabing susuriin nila ang mga reklamong kanilang natanggap hinggil sa nasabing eksena sa programa ng E.A.T.

MAKI-BALITA: MTRCB, naglabas ng pahayag hinggil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.