Iginiit ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto na hindi umano dapat gawing laban sa kaniya ang kaniyang pagiging “Sotto” o pagiging anak ni dating senador at E.A.T. host Tito Sotto.

Sa isang press conference ng MTRCB nitong Huwebes, Setyembre 28, na inilabas ng News5, tinanong si Lala tungkol sa iniisip umano ng mga tao na may “conflict of interest” dahil anak siya ng host ng E.A.T., na kakumpitensya naman ng It’s Showtime.

MAKI-BALITA: MTRCB, ibinasura ang apela ng It’s Showtime

Ang naturang kontrobersiya ay sa kabila umano ng inihayag kamakailan ng MTRCB chair na hindi siya sumali sa botohan ng board hinggil sa pagpapataw ng suspensiyon sa It’s Showtime, at hindi raw siya makikialam sa lahat ng proseso ng MTRCB na may kinalaman sa noontime shows para sa “transparency” at “fairness.”

Eleksyon

Mag-inang Aguilar, mamumuno sa Las Pinas; Sen. Cynthia Villar, talo sa pagka-kongresista

MAKI-BALITA: Lala Sotto, ‘di raw makikialam sa MTRCB hinggil sa noontime shows

“I truly believe my being a Sotto or my father’s daughter should not be taken against me. Instead, it should even be taken positively, that I am someone who grew up in the industry. I am someone who loves the industry and understands the industry,” saad naman ni Sotto.

“I really believe that we should respect others' opinions also. That’s their opinion. There’s nothing I can do. I am just doing my job humbly and justly,” dagdag pa niya.

Sa naturang press conference ay sinagot din ng MTRCB chair ang tungkol sa mga panawagang bumitiw na siya sa kaniyang pwesto.

MAKI-BALITA: Lala Sotto, may sagot sa panawagang ‘Lala resign’