Kinumpirma ng Movie and  Television Review and Classification Board (MTRCB) na humingi ng paumanhin ang production ng noontime show na E.A.T dahil sa “lubid” na naging banat ni Joey de Leon sa tanong na “mga bagay na isinasabit sa leeg” sa isang segment ng naturang noontime show.

Sa isinagawang pagdinig ng senado para sa proposed 2024 budget ng MTRCB nitong Miyerkules, Setyembre 27, sinabi ni MTRCB chair Lala Sotto na boluntaryong nagtungo ang mga producer ng E.A.T. sa kanilang tanggapan upang humingi ng dispensa sa biro umano ni Joey.

“The E.A.T. production voluntarily appeared before the MTRCB on Monday (September 25) with an apology letter to enter into a dialogue with Atty. (Paulino) Cases, the chairman of the adjudication committee,” ani Lala.

Kinumpirma rin ni Cases ang pagsumite umano ng E.A.T. ng apology letter, at sinabing pinag-aaralan na umano nila ang natanggap na reklamo hinggil dito.

Eleksyon

DuterTHREE na lang? VP Sara sa unofficial election result: 'Not what we had hoped for'

Ayon sa naturang sulat na may petsang Setyembre 25, 2023 at naka-address kay MTRCB chair Lala Sotto, humihingi umano ng tawag ang buong management ng E.A.T. sa lahat ng “na-offend” sa sinabi ni Joey.

“During the said incident, Mr. Joey de Leon suggested 'lubid' (rope) as an answer to a question regarding things that may be worn around the neck. He conveyed this verbally in a very brief manner without further actions, elaborations or demonstrations. However, some viewers interpreted the utterance of the said object to be an insinuation of suicide, which is a very sensitive and triggering subject,” nakasaad sa ulat.

“The whole E.A.T. management is regretful and apologetic to those who were offended by the said utterance. Rest assured that we are one with MTRCB in advocating a responsible viewing experience for the public,” dagdag pa.

Matatandaang sa segment ng E.A.T. na Gimme 5: Laro Ng Mga Henyo nitong Sabado, Setyembre 23, kung saan sina Joey at Vic Sotto ang main hosts, tinanong ang isang contestant na magbigay ng mga bagay na sinasabit sa leeg.

“Lubid, lubid. Nakakalimutan n’yo,” biglang hirit ni Joey sa tanong na may kasamang pagtawa, dahilan kaya’t inulan ng batikos ang comedy-host sa social media.

Maging si MTRCB chair Lala, na anak ng kapwa E.A.T. host na si Tito Sotto, ay naging trending topic din sa X matapos siyang kalampagin ng ilang netizens na umaksyon sa nasabing eksena. 

MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.

Naglabas naman ng pahayag ang MTRCB noong Lunes, Setyembre 25, at sinabing susuriin nila ang mga reklamong kanilang natanggap hinggil sa nasabing eksena sa programa ng E.A.T.

MAKI-BALITA: MTRCB, naglabas ng pahayag hinggil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.