Inaprubahan na ng Kamara ang mungkahing ₱5.768 trilyong national budget para sa 2024.

Sa botong 296-3, pasado na ang nasabing badyet sa ikatlo at pinal na pagbasa.

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sinabi naman ni House Speaker Martin Romualdez, napapanahon ang pagpasa ng General Appropriations Bill (GAB) dahil magkakaroon ng recess ang Kongreso sa loob ng isang buwan.

“Pursuing the constitutional requirement of transparency, the House of Representatives has to shepherd the national expenditure program no matter the rigors and challenges along the way. These include difficult discussions on the confidential and intelligence funds, which the House successfully steered toward a healthy and vibrant exchange,” anang mambabatas.

Ang panukalang 2024 national budget ay mataas ng 9.5 porsyento kumpara sa ₱5.268 trilyong badyet para sa 2023.

PNA