“Namalengke” si “Unkabogable” star Vice Ganda ng bagong kotse sa BMW Pampanga kasama ang kaniyang best friend na fashion designer na si Michael Leyva kamakailan.

Hindi maiwasang ma-amaze ni Vice sa features ng nasabing sasakyan. Touchscreen kasi lahat ng button. Mayroon ding Apple Carplay na wireless connectivity. Bukod dito, may charging station pa na wireless saka very spacious ang leg room at full glass pa ang sunroof. Pero ang mas bongga, may voice command pa.

Nagpasalamat si Vice sa BMW Pampanga dahil nagbukas pa umano sila ng store kahit sarado sila ng Linggo.

“Actually close sila ng Sunday pero nagbukas sila for me. Kaya, my God, we feel so special. Thank you very much for this wonderful treatment.”

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Matatandaang nasangkot sa aksidente si Vice noong isang buwan. Nabangga ng isang delivery truck ang likurang bahagi ng kaniyang sasakyan. Sa awa ng Diyos, hindi naman siya nasaktan at ang kaniyang mga kasamahan.

Pero hindi pa rin maitatanggi ang malaking gastos, stress, at trauma na naidulot ng nasabing aksidente.

“Still, nagpapasalamat tayo sa Panginoon buhay tayo. Mas mahalaga naman ang buhay kaysa dito sa mga materyal na bagay na ito. Mababawi naman natin ‘to kung pagtatrabahuhin natin.”

At dahil matatagalan pa bago maayos ang nabanggang sasakyan, nagpasiya na nga siyang bumili ng bago. BNW 7 Series ang napili niya.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa nagbibigay ng updates si Vice kung itutuloy pa ba niya ang pagsasampa ng kaso o palalagpasin na lamang niya.

MAKI-BALITA: ‘Someone is accountable!’ Vice Ganda magkakaso sa kinasangkutang aksidente – Balita