Sumalang ang actor-director na si Ricky Davao sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Setyembre 26.

Bahagi si Ricky ng TV series na “Love Before Sunrise” kung saan niya nakasama sina Dennis Trillo at Bea Alonzo. Hindi naiwasang itanong ni Tito Boy kung kumusta ang dalawa bilang mga artista.

“As an actor, ang sarap nilang katrabaho. They’re very giving. They’re very professional. They would ask. Since syempre, I’m older than them…and I’m also a director. So they would…sometimes, open kami–which is good di ba. Nagtatanong. If you don’t understand something, magtanong. Pwede naman, e. And that’s what they’re doing.”

Dagdag pa niya: “And they have their own style. They’re very professional. Ang sarap n’ong ganoon. They’re on the set. They know what they want. And then they give their own.”

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Samantala, bukod dito, kinumusta rin ni Tito Boy sa parehong panayam ang pagsasama nila ng dating asawang si Jackie Lou Blanco sa nasabing TV series.