Naglabas ng pahayag si dating Senador Leila de Lima hinggil sa P125M confidential funds na nagastos ng Office of the Vice President, sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte, sa loob ng 11 araw.

Sinabi ni De Lima na isang “red flag” ang paggastos ng milyon-milyong pondo sa loob lamang ng 11 araw.

National

LPA sa loob ng PAR, naging bagyo na rin; 11 lugar sa Luzon, itinaas sa Signal No. 1

“Spending 125M in just 11 days is a glaring red flag, not to mention the questionable constitutionality of the fund transfer from the OP to OVP,” anang dating senador nitong Martes, Setyembre 26.

Bukod dito, sinabi rin ni De Lima na huwag daw sanang matakot ang Kongreso na busisiin ang nasabing halaga ng confidential funds.

“Huwag sanang matakot ang Kongreso sa patuloy nitong pagbusisi sa confi/intel funds ng OVP,” aniya.

https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1706560116756292089

“I just hope there are more voices in both Senate & House to articulate on this very important issue in the name of truth, transparency & accountability. May they breathe life into the const'l principle of checks-&-balance,” dagdag pa niya.

https://twitter.com/AttyLeiladeLima/status/1706560118631084246

Nakatakda sana nitong Martes ang plenary debate para sa proposed budget ng OVP para sa 2024, kung saan inaasahan ang pagdalo ni Duterte, ngunit hindi ito natuloy dahil sa “conflict” sa schedule ng OVP.

Ngayong Miyerkules, Setyembre 27, inaasahan ang naturang plenary debate.