Ilang tagasuporta ng noontime show na "E.A.T" ang nagsabing wala silang nakikitang masama sa hirit ni Joey De Leon tungkol sa lubid bilang "bagay na isinasabit sa leeg."
Ang tanong naman daw kasi ay hindi lamang daw sumasaklaw sa leeg ng tao.
Ayon sa mga nakalap na reaksiyon at komento ng netizens sa iba't ibang social media pages, ang mga kalabaw halimbawa ay nilalagyan ng lubid sa leeg lalo na sa pag-aararo ng mga magsasaka, o kaya sa simpleng pagtali rito upang hindi makawala.
https://twitter.com/AltStarMagic/status/1705570735409053804
Narito ang ilan:
"MGA farmers NASA leeg ang lubid masama ba yan."
"Ambababaw na ng mga tao ngayon 😂😂 konting kibot mga nag-iiyakan agad e 😂😂."
"Ang tanong anong bagay sinasabit sa leeg.hinde nman malinaw kung para aa tao lng ung pwede isabit."
"madami na mang leeg tao lang ba may leeg"
"Yung kalabaw namin may leeg, dun namin 'sinasabit' yung lubid, kawawa kase pag sa paa, indi makakalakad ng ayos."
"Hindi nman po specific na leeg ng tao, 'mga bagay na isinasabit sa leeg', ibig sabihin in general, kasama na hayop don."
Kung may mga nagtanggol, tila mas marami naman ang naapektuhan sa joke ni Joey na anila'y insensitive.
MAKI-BALITA: Lala Sotto, muling kinalampag dahil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.
Samantala, naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB kaugnay rito. Nangako silang pag-aaralan nila ang nabanggit na isyu matapos umalma ang karamihan sa mga manonood at netizen lalo na't nasaling umano ang tungkol sa isyu ng suicide.
MAKI-BALITA: MTRCB, naglabas ng pahayag hinggil sa ‘lubid’ na banat ni Joey de Leon sa E.A.T.