Magpapaskong milyonaryo ang isang taga Nueva Ecija matapos mapanalunan ang milyon-milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola nitong Lunes, Setyembre 25.

Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, napanalunan ng lucky winner ang P36,025,867.40 na premyo matapos mahulaan ang winning numbers na 30-17-06-12-04-29.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dagdag pa ng ahensya, nabili ang winning ticket sa San Antonio, Nueva Ecija.

May be an image of text that says 'PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE BACONGPILIPINAS CONGRATULATIONS! GRAND OTT JACKPOT WINNER Monday, September 25, 2023 30 17 06 12 04 29 WINNING COMBINATION Php 36,025,867.40 867.40 JACKPOT PRIZE One (1) Winning Ticket was bought in San Antonio, Nueva Ecija *Prizes subject 20% pursuant TRAIN Law. winnings should claimed fron date otherwise the same would /pcsoofficialsocialmedia 18+ /PCSO GOV forfeited form part fthe Charity Fund. www.pcso.gov.ph'

Upang makubra ang premyo, pumunta lamang sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at dalhin ang winning ticket at dalawang valid ID.

Ang premyong napanalunan na lagpas sa P10,000 ay sasailalim sa 20 porsiyentong tax na alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyo na hindi makukubra, sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.