Usap-usapan ang naging tila hirit ng "Frontline Pilipinas" showbiz news reader Jervi Li o si "KaladKaren" matapos niyang sabihing hindi siya AI o "Artificial Intelligence."
Sa live newscast ng Frontline Pilipinas nitong Setyembre 25, matapos ireport ni KaladKaren ang balita tungkol kina Kathryn Bernardo at Dolly De Leon, sinabi niyang hindi raw siya AI.
"Abangan po bukas ang mas maiinit na K-alaman at showbiz balita. Hindi po ito AI! Ako po si KaladKaren," aniya.
Ibinahagi pa mismo ng kauna-unahang transgender newscaster sa Pilipinas ang video clip nito, na ibinahagi naman ng isang X user.
https://twitter.com/jervijervi/status/1706280505925386564
Sa dulo naman ng newscast, nagbiro ang resident sportscaster na si Tito Mikee Reyes na kurutin si KaladKaren dahil baka AI daw siya.
"Totoong tao po ako, mga Kapatid," aniya.
https://twitter.com/justbbangkyu/status/1706288185196896503
Matatandaang naging kontrobersiyal ang inilunsad na kauna-unahang AI-generated sportscasters ng GMA Network na sina Maia at Marco, dahil tila banta raw ito sa mga tunay na tao at journalist.
MAKI-BALITA: ‘Bakit ‘di na lang totoong tao?’ AI sportscasters ng GMA, umani ng reaksiyon