Nawindang ang mga netizen sa video na ibinahagi ng former Hashtags member na si Nikko Natividad sa kaniyang TikTok account nitong Lunes, Setyembre 25.

Makikita kasi sa video na ginagawa niyang parang itik ang anak nina Elisse Joson at McCoy De Leon na si Felize McKenzie De Leon habang sila ay nasa isang kainan.

Sa video, nag-alok pa si Nikko kung sino raw ang gustong magpaalaga sa kaniya ng bata.

“Sa mga gusto magpaalaga ng bata. PM nyo ako. 3k per day lang mapapalabas ko na hidden talent nung bata.”

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing video. Narito ang kanilang mga komento:

"si felize na walang kamalay malay 😂"

"felize: ano ba naman tong tao na toh"

"Felize blink twice if you need help"

"'Napakweirdo naman ng uncle na to 🤣🤣'"

"Lagot ka kay David 😂"

"hindi na natutuwa yung bata 😂😂"

"lupit mo HAHAHA"

"felize pinagtritripan kanaaaa"

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Nikko sa kaniyang Instagram account na magpapahinga muna siya sa pagpopost matapos makatanggap ng babala dahil sa kaniyang mga ipinopost na kalokohan.

MAKI-BALITA: Nikko Natividad mukhang susunod na raw kay Rendon Labador