Inaasahang makaaapekto ang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas ngayong Martes, Setyembre 26, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA bandang 4:00 ng umaga, malaki ang tiyansang magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa MIMAROPA at Western Visayas bunsod ng habagat.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tiyansa ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa habagat o localized thunderstorms.

Eleksyon

Kim Chiu matapos makaboto: 'This is our power as Filipino citizens!'

Maaari rin umano magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

Samantala, inihayag ng PAGASA na nananatiling mababa ang tsansang maging bagyo ang binabantayan nitong low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine are of responsibility (PAR). Ngunit hindi umano inaalis ang posibilidad na pumasok ito sa loob ng PAR sa mga susunod na araw.