Iniulat ng Toll Regulatory Board (TRB) na magsisimula na ring lumahok sa dry run ng contactless toll collection ang ikaapat na batch ng mga toll plazas sa bansa.

Sa abiso ng Toll Regulatory Board (TRB), simula sa Setyembre 28 ay kasama na rin sa dry run ang Filinvest Entry, Sta. Rosa NB Entry at Exit at Calamba NB Exit ng South Luzon Expressway (SLEX); gayundin ang Quezon Avenue NB Exit ng Metro Manila Skyway Stage 3 (MMSS3) na gumagamit ng AutoSweep RFIDs.

Eleksyon

Comelec, dismayado sa mga politikong maagang nangangampanya

Samantala, sa Oktubre 1 naman magsisimulang lumahok sa dry run ang Tabang Entry at Exit at Angeles Entry at Exit ng North Luzon Expressway (NLEX) na gumagamit ng EasyTrip RFIDs.

Ayon sa TRB, ang mga non-participating toll plazas ay patuloy pa ring mangungolekta ng toll fee sa pamamagitan ng ETC (RFID) lanes at cash lanes.

“On participating toll plazas, motorists with no RFID stickers shall be directed to a safe place/location where he can pay the toll fees in cash, and shall be persuaded to have an RFID sticker installed,” dagdag pa ng TRB.

Paglilinaw nito, bagamat pinapayagan pa rin ang cash payment ng toll fees, hinihikayat ang mga motorista lumipat na sa RFID para sa mas mabilis at mas kumbinyenteng pagpasok at paglabas sa mga toll plazas.