Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Lunes ng tanghali, Setyembre 25, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:01 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 33 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 35 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.