Nag-donate ng limang patient transport vehicle (PTV) ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Ilocos Norte sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ng gobyerno.

Personal na itinurn-over ni PCSO General Manager Mel Robles ang mga sasakyan kay Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos, noong Sabado, Setyembre 23 sa Laoag Centennial Arena.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa PCSO, ang mga naturang PTV ay matatanggap ng munisipalidad ng Pasuquin, Bacarra, Pagudpod, at Piddig. Magagamit ang mga PTV para masigurado ang mabilis na pagdala ng mga pasyente sa mga ospital.

Nagpasalamat naman si Ilocos Norte Gov. Matthew Marcos Manoto sa PCSO.

“Taos puso po kaming nagpapasalamat sainyo and we hope of a continued partnership in service of [Filipinos]. Ito lang po ang simula ng ating tulong sa Ilocos Norte,” aniya.