Mariing kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang paglalagay ng China Coast Guard (CCG) ng floating barrier sa Bajo de Masinloc, mas kilala bilang Panatag Shoal o Scarborough Shoal, sa West Philippine Sea (WPS).

Sa ulat ng PCG nitong Linggo, Setyembre 24, natuklasan umano ang 300 metrong floating barrier nang magsagawa ng maritime patrol ang mga tauhan ng PCG at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa binisidad ng Panatag Shoal noong Biyernes, Setyembre 22.

“China’s cruelty knows no bounds. Napakawalang-hiya na agresibo nilang hinaharangan ang ating mangingisda sa sarili nating karagatan,” pahayag ni Hontiveros nitong Linggo.

National

China Coast Guard, binira ng PCG dahil sa paglalagay ng boya sa Bajo de Masinloc

“Filipino fisherfolk are among the poorest in our country. They only rely on our seas for their food and their livelihood,” dagdag pa niya.

Binanggit din ng senadora na napakarami na rin umanong coral reefs ang sinira ng China sa WPS.

Ito ay matapos mapabalitang pinaghinalaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan ang China na may kagagawan umano sa nadiskubre nilang malawakang pagkalimas ng mga corals na nakapalibot sa Rozul Reef sa West Philippine Sea (WPS).

https://balita.net.ph/2023/09/17/wala-nang-natira-afp-pinaghinalaan-china-sa-pagkalimas-ng-corals-sa-wps/

“Ito’y mga likas-yaman na hindi na mapapakinabangan ng mga susunod na henerasyon,” giit ni Hontiveros.

“Hindi tayo papayag na patayin sa gutom ng Tsina ang ating mga mamamayan. I trust that the Philippine Coast Guard can escort our fisherfolk and ensure that they pass through the floating barriers,” dagdag pa niya.

Muli ring nanawagan ang senadora sa kasalukuyang administrasyon na suriin na umano ang “national securty” ng bansa pagdating sa China.

“We should no longer accept acts like this going unpunished. If we allow China’s bullying to continue, it will cost the lives of our own people,” saad ni Hontiveros.