Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng madaling araw, malaki ang tsansang magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, at Batangas dulot ng habagat.
Maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms din ang posibleng maranasan sa Eastern Visayas at Masbate bunsod naman ng trough ng LPA.
Maaari umano ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar bunsod ng posibleng malakas na pag-ulan.
Samantala, may tsansang makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms.
Posible rin umano ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.