Kasado na ang face-to-face mass oathtaking para sa mga bagong sanitary engineer ng bansa, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Setyembre 25.

Ayon sa PRC, magaganap ang naturang in-person oathtaking sa darating na Oktubre 12, dakong 1:00 ng hapon, sa Manila Hotel, Manila.

“All successful examinees interested in attending the face-to-face mass oathtaking shall register no later than 12:00 NN of the day prior to the date of the oathtaking at http://online.prc.gov.ph to confirm their attendance. Please note that confirmation slots shall be limited to One Hundred (100),” anang PRC.

“Inductees are required to PRINT the Oath Form with their own generated QR. This will be submitted during the oathtaking in order to be tagged as ‘attended’,” dagdag pa nito.

National

Bagyong Carina, nakalabas na ng PAR -- PAGASA

Inabisuhan din ng Komisyon ang mga dadalo sa in-person oathtaking na dalhin ang kanilang vaccination card o ang kanilang Negative RT-PCR/COVID-19 anti-gen swab results na kinuha umano sa loob ng 48 oras bago ang oathtaking.

Para naman sa mga hindi makakapunta sa nakatakdang face-to-face mass oathtaking, maaari pa rin umano silang dumalo sa pamamagitan ng isasagawang online oathtaking o mag-request ng isang special oathtaking.

Iaanunsyo umano ang schedule ng online oathtaking kapag naisapinal na ito.

“After the oathtaking, inductees shall proceed with their Initial Registration by securing an online appointment at http://online.prc.gov.ph from October 13 to 16, 2023,” saad ng PRC.

“For more information on the oathtaking proper, you may contact the organizers (thru SMS/Viber) at 0905 429 8533, Mondays to Fridays from 9:00 A.M. to 4:00 P.M., or proceed to Room 315, 3rd Floor, Don Lorenzo Building, 889 P. Paredes St., Sampaloc, Manila,” dagdag pa nito.