Ipagpapatuloy umano ni Kapamilya singer Erik Santos ang legasiyang naiwan ng kaniyang amang si Renato Santos, ayon sa eksklusibong panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kamakailan.
Tinanong kasi si Erik sa ginanap na presscon para sa kaniyang 20th anniversary concert at paglulunsad bilang ambassador ng Anchor of Hope and Strength Foundation kung ano raw ang legacy na naiwan ng ama niya sa kaniya.
Ang sey ng Kapamilya singer, pagiging strong daw saka pagiging humble at grateful sa mga taong tumutulong.
“Kasi pareho kong magulang kasi ‘yung kasa-kasama ko 20 years ago na abutin ‘yung pangarap ko, e. So, after 20 years, sila naman gusto kong pag-alayan ng kung ano mang meron ako ngayon,” paliwanag ni Erik.
Kamakailan ay naging emosyunal si Erik sa pagdiriwang ng kaniyang 20th anniversary sa showbiz sa “ASAP Natin ‘To”.
Bukod kasi sa pagbabalik-tanaw sa mga tao na tumulong sa kaniyang career, sinariwa din ni Erik ang alaala ng kaniyang ama habang sabay nilang kinakanta ang mga awit nina Gary Valenciano at Martin Nievera.
Matatandaang halos magkasunod na pumanaw ang ina at ama ni Erik.
MAKI-BALITA: Ama ni Erik Santos, pumanaw na
MAKI-BALITA: Erik Santos, emosyunal sa kaniyang 20th anniversary sa showbiz
MAKI-BALITA: Kapamilya singer Erik Santos, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang Nanay Lits