Ibinunyag ni Kapuso actor Dingdong Dantes ang isang detalye tungkol sa nagtapos na hit teleseryeng “Royal Blood” sa kanilang “behind the scenes”.

Nagtataka kasi ang mga “Royalista” na gaya ni Harvey Camposano sa biglang pagbabago ng boses ng karakter niyang si Napoy sa isang episode ng whodunit series na “Royal Blood”.

Buking ni Dingdong, talagang tama ang obserbasyon ng masusugid na tagasubaybay ng kanilang serye dahil talagang nawalan daw siya ng boses sa isang kinunang eksena nila.

“So ito nga ang dahilan. Nawalan ako ng boses during our last taping day, at hindi ako nakapag-dub dahil bumalik ang boses ko 2 araw matapos ito, kaya hindi naabutan ang airing,” paliwanag ng Kapuso actor.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinuri naman niya ang mga staff na nagawa pa ring maging posible ang pag-ere ng nasabing episode sa kabila ng naging aberya. Bukod dito, pinag-ingat din niya ang lahat dahil may flu umanong umiikot.

“Ingat din kayo kasi meron talagang flu na umiikot. Kaya ayan, nadale ako. Haha.”

Narito naman ang komento ng ilang netizens kaugnay sa katatapos lang na “Royal Blood”:

“Hooked sa Royal Blood🙌❤️ ang galing nyo po lahat.”

“Congrats, Dong, at sa lahat ng kasama sa RB! It’s absolutely a tough act to follow. What a series. ‘Palakas ka, boss. 👍🏼”

“Foreshadowing ba ito na si Napoy ay nag iibang anyo at siya talaga yung pumatay kay Gustavo???? 🤯”

“Kidding aside, hanep ka at kayo! 👏🏻🙌🏻”

“All of you done a great job, ROYAL BLOOD , good ☝️ one .Have a good rest Sir NAPOY, @dongdantes 😊 stay healthy and safe 🙏”

Tila totoo yata ang sinabi ni Manay Lolit Solis kamakailan na ang 2023 umano ay Year of the Dantes.

MAKI-BALITA: Taong 2023, Dingdong Dantes year daw sey ni Lolit Solis

Samantala, bukod sa ibang boses ni Dingdong ay may napansin din ang isang registered nurse sa isa namang eksena ni Diana habang nasa ospital, na ginagampanan ni Megan Young.