Halos 2,000 kandidato ang iniimbestigahan na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay ng maagang pangangampanya para sa idaraos Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco sa panayam sa radyo nitong Linggo.

Paglilinaw ni Laudiangco, ang campaign period ay nag-uumpisa sa Oktubre 18 hanggang Oktubre 28.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

“Hindi po kinakailangang matagal dahil barangay lamang po nila ang kakampanyahin nila, so hanggang ngayon bawal pang mangampanya,” anang opisyal.

Inaasahan na rin ni Laudiangco na madagdagan pa ang bilang ng mga kandidatong iimbestigahan ng Comelec dahil sa kahalintulad na reklamo.