Iniulat ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region nitong Lunes na umaabot sa 3,326 ang mga benepisyaryo na nabigyan nila ng health at medical care sa 2-day national launching ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF).”

Ang ikinukonsiderang pinakamalaking public service caravan ay idinaos sa Mariano Marcos State University sa Laoag City nitong weekend, gayundin sa Nabua, Camarines Sur; Tolosa, Leyte; at Poblacion Monkayo sa Davao de Oro.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nabatid na ang regional office, katuwang ang limang pagamutan nito, na kinabibilangan ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC), Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC), Region 1 Medical Center (R1MC), Ilocos Sur Medical Center (ISMC) at Conrado Estrella Regional and Trauma Center (CERTMC), ay nakapagkaloob ng iba’t ibang uri ng mahahalagang serbisyo, gaya ng consultation services (kabilang ang family and community medicine, pediatrics, OB-Gyne, surgery, ENT (ear, nose, throat), ophthalmology at dental); diagnostic services (gaya ng mobile x-ray, ECG, OB ultrasound, hearing testing at vision screening na may probisyon ng prescription lenses); laboratory services (mula sa complete blood count (CBC), fasting blood sugar/RBS,  HbA1c, serum creatinine, serum electrolytes, blood uric acid, lipid profile, urinalysis, syphilis screening, torch screening at smear); vaccination para sa influenza, HPV, Covid-19 Pedia na ipinagkaloob sa mga bata at mga senior citizens.

Samantala, mayroon fing 648 na buntis ang nakatanggap ng tig-limang kilo ng iron-fortified na bigas upang matulungan silang palakasin ang kanilang immune system.

Ang iba pa namang logistics na ipinamahagi sa mga benepisyaryo ay 458 herbmap kits, 110 wheelchairs, 23 Barangay Health Station packages na may kasamang oral health family package at adult oral health kit.

Mayroon din umanong kabuuang 33 aplikante ang nag-apply para sa DOH Scholarship na nag-aalok ng mga kursong Pharmacy & Medical Technology.

“Bringing essential health care to people in communities helps them gain access to needed health resources and addresses the various needs of the population, especially those living in remote areas and its benefit extends to the community itself, to schools, businesses, and public places. Also, money from transportation services is saved, absenteeism from work is reduced, mental health improves and the spread of disease declines,” ayon naman kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco.

Dagdag pa niya, “Nagpapasalamat kami sa mga dumalo at tumangkilik ng serbisyong pangkalusugan at makakaasa po ang mga residente ng Ilocos region na patuloy po naming dadalhin ang mga serbisyo ito sa inyong mga lugar upang lahat ay mapaglingkuran at maibigay ang kanilang mga kinakailangan para sa kanilang kalusugan.”

Samantala, pinagkalooban din ni Sydiongco ng tseke na nagkakahalaga ng P2,236,710 ang Provincial Government ng Ilocos Norte para sa implementasyon nito ng 2023 Healthy Settings Program (Health Communities: Bakuna Champion Playbook).

Sa kanyang panig, hinikayat naman ni Assistant Secretary Atty. Charade Mercado-Grande na lumahok sa aktibidad sa Laoag City, ang mga residente na alagaan ang kanilang kalusugan at kapakanan, sa pamamagitan nang regular na pagbisita sa kanilang mga doktor.

“Libre po ang mga consultation sa ating mga RHUs at mga pampublikong hospital. May nararamdaman man po kayo or wala, lalo na ang ating mga seniors at sa mga may maintenance medicine upang  masiguro ang inyong kalusugan. Huwag napo nating antayin na magkaroon tayo ng malubhang karamdaman. Ang importante po ay ating maiwasan ito at mapanatili ang malusog na pangangatawan,” aniya pa.