Usap-usapan ang Facebook post ng retiradong Marines Colonel na si Ariel Querubin matapos umanong hindi sila makaupo sa "Heroes' Lounge" sa Tuguegarao Airport kasama ng iba pang retiradong generals dahil may "Chinese-looking" individuals na naka-reserved, nagkukuwentuhan at tila nagpapalamig.
Nangyari umano ito nitong Sabado, Setyembre 23, 2023. Ang Heroes' Lounge ay para sana sa mga pulis at militar.
"September 23, 2023 - Tuguegarao Airport," panimula ni Querubin.
"After a very fruitful trip in Isabela and Tuguegarao the past few days, I was very disappointed to find that myself and a handful of retired generals were not allowed to use the Heroes Lounge of the Tuguegarao Airport because it was reserved for these chinese looking individuals."
Giit ni Querubin, "Are the Chinese the new heroes in this country? Definitely NOT!"
Pangangalampag ni Querubin, "Attention to CAAP Airport Manager Mary Sulyn Sogorsor. Please take accountability for this."
Si Querubin ay recipient ng highest military award for courage" sa Pilipinas, na tinatawag na "Medal of Valor."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Sogorsor o ang pamunuan ng Tuguegarao Airport tungkol dito.