Kinaaliwan ng mga netizen ang viral Facebook post ng isang nurse na si "Nurse Archie" sa nagtapos na whodunit series na "Royal Blood" ng GMA Network dahil sa napansin niya sa eksena habang nakaratay sa hospital bed ang karakter ni Megan Young.

Ang Royal Blood ay umaani ng mga papuri at magagandang feedback mula sa mga manonood dahil sa mga kaabang-abang na pangyayari at plot twists dito.

Ayon sa post ni Archie Parafina na nakabase sa Sydney, Australia at isang registered nurse, sinubaybayan niya ang Royal Blood mula umpisa hanggang nag-finale episode na nga ito noong Biyernes, Setyembre 22.

Ngunit bilang nurse at nasa medical field ay may napansin daw siya sa eksena ni Diana (Megan Young) habang nakaratay ito sa ospital.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

"I watched this from start until the finale tonight. All my questions in this murder mystery drama series has been answered except for this one — what’s in her nose? Nasal Cannula as NGT? 🙈," mababasa sa kaniyang post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Nurse Archie, mas ipinaliwanag pa niya kung ano ang napansin niya sa nabanggit na eksena.

"Maliban po sa sobrang ganda ni Diana while she’s in coma na possible naman kung ganun sila kayaman at afford nila ang 1:1 nurse-patient ratio or more nurses pa, pero kapansin-pansin kasi yung tube na naka pasok sa ilong n’ya — mukha po syang nasal cannula (yung tube para sa oxygen) na parang ginawa nilang NGT (Nasogastric tube; yung tube na daanan ng feeding and fluids," paliwanag ng RN.

"Kapansin-pansin din na tila very stable yung malaking tube na naka connect sa ETT (endotracheal tube) at mechanical ventilator at tanging dalawang pirasong scotch tapes lang ang ginamit pang secure."

"Iyon lang para sa akin ang mga kapansin-pansin masyado," ayon pa kay Archie.

Habang isinusulat ang balitang ito ay umabot na sa 29k reactions, 2k shares, at 1k comments ang nabanggit na post. Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang mga nasa likod ng produksyon ng Royal Blood o ang GMA Network hinggil dito.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!