Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang probinsya ng Masbate nitong Linggo ng umaga, Setyembre 24, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:21 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng City Of Masbate, Masbate, na may lalim na 8 kilometro.

Naramdaman ang Intensity II sa City of Calbayog, Samar.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar: 

Intensity IV - City of Masbate, Masbate 

Intensity III - Batuan at Milagros, Masbate 

Intensity II - Aroroy, MASBATE; Rosario, Northern Samar; Bulusan, Sorsogon; City of Legazpi, Albay 

Intensity I - Cataingan, Masbate 

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.