TRIGGER WARNING: SUICIDE

Muling kinalampag ng netizens si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chair Lala Sotto matapos ang naging banat ni Joey de Leon sa tanong na “mga bagay na isinasabit sa leeg” sa isang segment ng noontime show na E.A.T.

Sa segment ng E.A.T. na Gimme 5: Laro Ng Mga Henyo nitong Sabado, Setyembre 23, kung saan sina Joey at Vic Sotto ang main hosts, tinanong ang isang contestant na magbigay ng mga bagay na sinasabit sa leeg. Binigyan din ito ng 45 seconds para ibigay ang limang bagay na sagot sa naturang criteria.

Samantala, “necklace” ang tanging naisagot ng nasabing contestant hanggang sa maubusan na ito ng oras.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

“Time’s up,” saad ni Vic.

“Lubid, lubid. Nakakalimutan n'yo,” biglang hirit ni Joey sa tanong na may kasamang pagtawa.

Pinasundan na lamang ito ni Vic ng “sash,” at ng ibang co-hosts na nakisagot din ng “scarf, medal, at garland” sa naturang tanong.

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1705570735409053804

Dahil sa nasabing “lubid” na banat ni Joey sa “mga isinasabit sa leeg,” agad na naging trending topic siya sa X dahil nakaka-trigger umano ng “suicide” ang sinambit niya.

Maging si Lala Sotto, na anak ng kapwa E.A.T. host na si Tito Sotto, ay naging trending topic din matapos siyang kalampagin ng ilang netizens na umaksyon sa nasabing eksena. 

X/screengrab

Saad din ng ibang netizens, maging “fair” daw sana si Lala Sotto sa noontime shows. Ito ay matapos magpataw ang MTRCB kamakailan ng 12 airing days suspension sa “It’s Showtime” dahil na rin sa naging pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing ng cake sa segment na “Isip Bata.”

MAKI-BALITA: It’s Showtime, sinuspinde ng 12 airing days ng MTRCB

Narito ang ilang komento ng netizens hinggil sa nasabing usapin:

“Sana walang sino man sa mga mahal sa buhay ni joey de leon ang makaranas ng depression o sya mismo sana di nya maranasan para di nya maramdaman kung gaano kahirap.”

“Calling the attention of the MTRCB to summon E.A.T's Joey De Leon for making the use of the s-word a laughing matter. Please sanction him and impose punishment for this. Jokes about the s-word should not be tolerated. Lala Sotto, please do your job.”

“This is a trigger warning clip about suicide and Joey De Leon can’t shut his mouth. Really? Mga bagay na sinasabit sa leeg ay lubid? REALLY JOEY DE LEON???? LALA SOTTO ANO NA????”

“Psst @MTRCBgov Summon Joey De Leon and suspend [E.A.T.]. This is clearly a threat to the welfare of children.”

“Ms. Lala Sotto, I think this is very inappropriate. It isn't a joke nor any other excuses.”

“These Joey De Leon's vile jokes have been airing on TV for how many years. Do your job, Lala Sotto. Don't let these suicide jokes slide, like what you did with the shallow icing-thing.”

Matatandaang kinalampag din kamakailan si Lala Sotto dahil sa isang eksena ng “lambingan” ng kaniyang mga magulang na sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa telebisyon.

MAKI-BALITA: Matapos sina Vice at Ion: Rendon sinita lambingan nina Tito-Helen sa TV

Samantala, sinabi ng MTRCB chair na wala raw nilabag ang kaniyang mga magulang sa nasabing eksena.

MAKI-BALITA: MTRCB Chair Lala Sotto nanindigang walang nilabag mga magulang sa E.A.T.

**Kung ikaw o ang iyong mahal sa buhay ay nakararanas ng depresyon at nag-iisip na mag-suicide, maaari kang tumawag sa National Mental Health Crisis Hotline sa 1553 (Luzon-wide, landline toll-free), 0966-351-4518, 0917-899-8727 o 0917-899-USAP para sa Globe/TM users, o sa 0908-639-2672 para naman sa Smart users.