Anim ang nasawi habang mahigit 100 indibidwal ang nasugatan matapos masunog ang isang pabrika ng mga bola ng golf sa Taiwan, ayon sa mga lokal na awtoridad nitong Sabado, Setyembre 23.

Sa ulat ng Agence-France Presse, tatlo umano sa mga nasawi sa naturang sunog ay mga bumbero.

Samantala inihayag naman umano ng Pingtung county government sa local media na karamihan sa mahigit 100 na nasugatan ay mga trabahante sa pabrika.

Bukod dito, isang bumbero at tatlong iba pa ang patuloy na nawawala, ayon sa ulat ng AFP.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon sa isang opisyal ng Pingtung Fire Departmen, ang “chemical peroxide” na nakaimbak sa loob ng pabrika ang posible umanong sanhi ng isang malaki at ilang mas maliliit na pagsabog na nagdulot ng sunog noong Biyernes, Setyembre 22.

Bumisita naman si Taiwanese President Tsai Ing-wen nitong Sabado ng umaga upang makiramay sa pamilya ng mga biktima, ayon pa sa ulat ng AFP.

Sinabi rin umano ng pangulo ng naturang bansa na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyari sa nasabing trahedya.