Bentang-benta sa mga netizen ang "Stress Drilon" na comical commercial ng broadcast journalist na si Ces Oreña-Drilon kaugnay ng isang milk tea brand.

Kinaaliwan at hindi inasahan ng mga netizen na papayag ang respetadong mamamahayag na bumida sa isang commercial na malayo sa imahe niya.

Agad ngang nag-trend ang "Stress Drilon" sa social media at tanggap na tanggap ito ng mga "accla" dahil bahagi ito ng tinatawag na "gay lingo."

MAKI-BALITA: New era ni Ces? ‘Stress Drilon’ kinaaliwan ng celebs, netizens

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sabi pa nga ng actor-direktor na si John Lapus sa kaniyang X, "Official [nang] gay lingo ang 'Stress Drilon!!'."

https://twitter.com/KorekKaJohn/status/1705289566629036250

Agree naman dito ang iba pang sangkabekihan daw nakaka-relate daw ang lahat sa mga pinagdaanan ni Ces sa nabanggit na commercial.

Sabi naman ng sportscaster na si TJ Manotoc, "ONE OF THE BEST ADS EVER. Happy for@cesdrilon for FINALLY cashing in on that STRESSDRILON meme 🤣."

https://twitter.com/tjmanotoc/status/1705254354289303659

Mukhang masaya naman si Ces sa magandang feedback ng mga tao sa kaniyang commercial.

"Salamat at marami akong napasaya sa ibang klaseng #stressdrilon na inabot ko! Masayang masaya na din ako!" aniya.

https://twitter.com/cesdrilon/status/1705516778057797798

Request naman ng mga netizen, since nasimulan na kay Ces, "beke nemen" puwedeng gawan na rin ng commercial sina Gardo Versoza, Carmi Martin, Martin Nievera, at Luz Valdez na naging gay lingo na rin.

Ang Gardo Versoza o "Haggardo Versoza" ay tumutukoy sa pagiging haggard o pagod, habang ang "Carmi Martin" naman ay "karma."

Ang Martin Nievera naman o "Martyr Nievera" ay nangangahulugang "martir" habang ang "Luz Valdez" naman ay tila nasisiraan na ng bait o naloloka.

Biro naman ng ABS-CBN at TV Patrol weekends news anchor na si Zen Hernandez, baka puwede na ring gawing gay lingo ang pangalan ng kasamahang si Henry Omaga Diaz bilang "Hungry Omaga Diaz" o deskripsiyon naman kapag "Tom Jones" o nagugutom na.

https://twitter.com/zenhernandez/status/1705407842700902441